-- Advertisements --

Tuluyan ng natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon.

Ito ay matapos na mabigo siya sa doubles kasama si Eva Lys laban kina Ingrid Martens at Quinn Gleason sa score na 4-6, 2-6.

Ang kaniyang pagkatalo ay ilang araw matapos na mabigo ito sa unang round ng nasabing torneo laban kay defending singles champion Barbora Krejcikova.

Kahit na nabigo ito ay nagtala naman si Eala sa kasaysayan ng Wimbledon na tanging Pinay na naglaro sa Wimbledon.