Sisimulan ni Pinay tennis star Alex Eala ang kaniyang paghahanda sa isa pang Grand Slam tournament ang US Open sa pamamagitan ng paglahok sa National Bank Open sa Canada.
Magaganap ang toreno sa Canada mula Hulyo 26 hanggang Agosto 7.
Ang National Bank Open ay isang WTA-1000 level tournament na isang paghahanda para kay Eala sa paglahok nito sa US Open na magsisimula naman mula Agosto 24 hanggang Setyembre 7.
Kasama ng ranked 56 na si Eala sa main draw ng National Bank Open ang ilang mga bigating pangalan sa tennis na sina Aryna Sabalenka ng Russia, Jessica Pegula at Coco Gauff ng US , Iga Swiatek ng Poland at Jasmine Paolini ng Italy na pawang mga Top 5 WTA players ngayon.
Magugunitang nakapaglaro na si Eala sa French Open at Wimbledon kung saan bigo siya habang nakaabot naman siya sa finals ng Lexus Eastbourne Open.
Una ng sinabi ni Eala na magpapahinga muna ito sa bansa ng ilang linggo bago ang pagbabalik ensayo para sa torneo sa Canada.