Pansamantalang sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding para sa mga buses mula Mayo 10 hanggang Mayo 14.

Ayon kay MMDA traffic head Bong Nebrija, ito ay para bigyang daan ang inaasahang pagdagsa ng mga uuwing pasahero sa kanilang mga probinsiya para bumuto sa Lunes, Mayo 13.

Inaasahan na kasi ng MMDA na mula Biyernes ay tiyak na punuan na ang mga bus terminal sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Nilinaw naman nito na magpapakalat pa rin sila ng mga enforcers para manghuli ng mga lumalabag sa batas trapiko.