Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ipinapatupad na No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila.
Sinabi nito na ang nasabing programa ay isang paraan para sa pagsulong ng disiplina sa kalsada at paglaban sa kurapsyon.
Dagdag pa nito na mayrong magandang layunin ang nasabing programa na magtuturo sa mga motorista ng tamang disiplina sa kalsada.
Ipinagtanggol pa nito ang NCAP sa mga puna na ito ay pinagkakaperahan lamang ng gobyerno kung saan sinabi ng Pangulo na malinaw sa polisiya ng programa ay labanan ang anumang uri ng panunuhol.
Magugunitang noong 2022 ay sinuspendi ang implementasyon ng NCAP dahil sa legal challenges sa korte at ilang reklamo ng hindi tamang paniningil.
Nitong Mayo 20 ng tinanggal na ng Korte Suprema ang temporary restraining order matapos ang mosyon na isinampa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).