Mayroon ng tatlong katao ang naareto ng mga kapulisan dahil sa pagnanakaw ng mga kable ng closed -circuit television (CCTV) cameras na ginagamit sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) program.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na ang mga suspeks ay isang 28-anyos na residente ng Makati City at dalawang 20-anyos na naninirahan sa Mandaluyong City.
Base sa ginawa ng imbestigasyon na nakita ng mga personnel nila ang pagtitipong ng ilang kalalakihan sa footbridge ng Guadalupe kung saan naganap ang pagnanakaw.
Dito ay naaktuhan ng mga kapulisan ang pagpuputol ng mga suspek ng cable ng mga CCTV.
Tinatayan nagkakahalaga ng 104,000 ang cable na nakuha sa mga suspek .
Nakatakdang sampahan ng mga kapulisan ang mga naarestong suspek.
Magugunitang nadiskubre ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ninakaw ang mga cable ng mga CCTV sa overpass ng Guadalupe, Makati City nitong Hunyo 24.