Usap-usapan ngayon ang tatlong aso na pangunahing katuwang ng rescuers sa gumuhong gusali sa Porac, Pampanga, partikular na ang Chuzon Supermarket.

Bigla kasing nagkaroon ng sariling followers sa internet ang MMDA K9 na sina Billy, Thunder at Fara.

Ang mga asong ito ang tumutulong para tukuyin kung saang lugar naiipit ang mga biktima ng lindol, kaya itinuturing silang mga bayani.

Hindi kasi kaya ng tao na lumusot sa maliliit na butas at may nagkalat pang debris mula sa bumagsak na gusali.

Maliban sa mga ito, may sarili ring dalang K9 units ang Philippine Coast Guard at iba pang grupong umalalay sa search, rescue and retrieval operations.