-- Advertisements --

Tiniyak ni House Prosecution team na magpapasaklolo na sila sa Korte Suprema sakaling magdesisyon ang Senate Impeachment Court na idaan sa botohan ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte.

Aminado si House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy na wala silang magagawa kung ito ang magiging desisyon ng impeachment court na ibasura ang reklamo kahit hindi na dumaan sa paglilitis.

Gayunpaman sinabi ni Bucoy na hindi nalang basta tatanggapin ito ng prosecution.

Giit nit Bucoy kahit mayroon pang maghain ng isa pang mosyon para sa outright dismissal nang walang trial ay hindi umano ito mapipigilan.

Paliwanag nito, Korte Suprema pa rin ang magsisilbing final arbiter hindi sa “judgment” ng impeachment court kundi judicial review sa hakbang.

Gayunman, nilinaw ni Bucoy na nagtitiwala pa rin sila sa proseso at sa senator-judges na susundin nila ang nakasaad sa Saligang Batas.