OCC MINDORO

Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Occidental Mindoro nitong umaga lamang.

Naramdaman ito kaninang alas-9:05 ng umaga.

Natukoy ng Phivolcs ang epicenter sa layong pitong kilometro sa timog kanluran ng Rizal, Occidental Mindoro.

May lalim itong 12 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Bagama’t walang inaasahang malaking pinsala, posible namang magkaroon ng aftershocks sa mga susunod na oras.