-- Advertisements --

Handang tumulong ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine National Police (PNP) sa paghahanap ng mga nawawalan sabungero.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na may mga forensic experts sila na maaring ipahiram sa PNP.

Giit nito na nagtulong-tulong sila sa mga kapulisan at ilang ahensiya para agad na mahanap ang mga nawawalang sabungero.

Magugunitang ibinunyag ng dating bantay sa sabungan na itinapon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero kung saan idiniin nito ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang bilang mastermind.