Reading Time: 1 minute

Magkakaroon ng libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) ang mga kasundaluhan sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Ito ay matapos ang ginawang pagpirma ng memorandum of agreement sa pagitang ng Armed Forces of the Philippines at Light Rail Transit Administration (LRTA).

Sinabi ni AFP-CRS commander Major General Bienvenido Datuin Jr, na isang malaking tulong ito sa mga sundalo at pagpapataas din ng morale nila.

Ayon naman kay LRT-administrator at dating Police General Reynalod Berroya, na ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga sundalo ay bahagi ng pagbibigay pugay sa serbisyo nila sa bansa.