Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na paglalaanan ng pondo ng Kongreso ang mga itatayong clinic nationwide para sa mga veterano na siyang isa sa prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Speaker Romualdez na suportado ng House of Representatives ang nasabing hakbang ng Pangulo na layong palawakin ng access sa healthcare service ang mga beterano na nakatira sa labas ng Metro Manila.
“The valor of our veterans and soldiers can never be fully repaid. But in recognition of their invaluable contributions to our nation, we in the House of Representatives, in support of President Marcos’ program, will work to ensure healthcare services, treatments, and medicines are always within their reach,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ang pahayag ni Speaker ay kasunod ng paglulunsad ni Pangulong Marcos sa Veterans Access to Lifetime Optimized Healthcare (Valor) Clinic sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng programa ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC), kung saan ang Valor Clinic ay dinisenyo para mabigyan ng primary healthcare services ang mga beterano, retiradong sundlo at kanilang mga pamilya.
Dahil dito nangako si Speaker Romualdez na ang nasabing mga inisyatibo para sa kapakanan ng mga beterano at retirees kaniyang sisiguraduhin na magkakaroon ito ng pondo sa ilalim ng annual General Appropriations Act.
Inulit din ni Speaker Romualdez ang position ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang kapakanan ng mga veterans, retires at mga sundalong nasa active-duty ang prayoridad ng pamahalaan.
“They have sacrificed so much for our country so that we may live in peace and prosperity. Their well-being, especially their health, should always be safeguarded,” wika ni Speaker Romualdez.
Patuloy rin sinuportahan ni Speaker Romualdez ang mga hakbangin upang itaguyod ang kapakanan ng mga beterano ng bansa, kabilang ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11958, na nagbibigay-katwiran sa disability pension ng mga beterano.
Ang panukala ay isang konsolidasyon ng Senate Bill 1480 at House Bill 7939, na ipinasa ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez noong Mayo 2023 at nilagdaan bilang batas ni Pangulong Marcos noong Agosto ng parehong taon.
Malaki ang pagtaas ng batas sa buwanang pensiyon para sa kapansanan para sa mga beterano na may kapansanan dahil sa sakit, pinsala, o sugat na nauugnay sa serbisyo. Ang mga buwanang benepisyo ay mula sa ₱4,500 hanggang ₱10,000, depende sa lawak ng kapansanan.