-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nananatili sila sa kanilang mandato na protektahan ang bansa mula sa anumang uri ng banta.

Ginawa ng AFP ang pahayag sa kabila ng mga pagbabago sa sitwasyon sa ating rehiyon at maging sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Sa naging pahayag ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr., nakahanda ang lahat ng kanilang tropa para ipagtanggol ang inang bayan ng may tapang at karangalan.

Siniguro rin nito na hindi sila patitinag sa kabila ng mga kinakaharap na hamon ng bansa.

Ipinagmalaki rin ng AFP na ang nakalipas na mahigit isang siglo ay pinanday nila ang kanilang sariling kasaysayan.

Nilinaw naman ng opisyal na layunin ng AFP na pigilan ang anumang mabubuong banta ng digmaan at hindi ang sumbak dito.

Sa ngayon ay patuloy nilang pinalalakas ang kanilang hanay sa ilalim ng kanilang modernization program.