Barclays center
-- Advertisements --

Inilagay sa lockdown ng mga otoridad ang home arena ng Brooklyn Nets matapos na kuyugin sila ng protesters.

Isinagawa kasi ang kilos protesta bilang suporta kay Kyrie Irving sa pag-ayaw niya na magpabakuna.

Ipinaglalaban ng mga protesters na dapat payagang maglaro si Irving.

Kahit na maraming Nets fans ang hindi nakapasok ay natuloy pa rin ang laban ng koponan kontra Charlotte Hornets.

Magugunitang naghigpit ang NBA sa mga manlalaro na dapat magpabakuna ang mga ito laban sa COVID-19 subalit nagmatigas si Irving at hindi ayaw niyang ibunyag ang estado ng kaniyang pagpapabakuna.

-- Advertisement --