-- Advertisements --
Nakatakdang ipanukala ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ang national budget para sa 2026 ay nasa P6.793 trillion.
Ang nasabing halaga ay 7.4 percent na mas mataas ngayong 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.326 trillion at 22 percent ng gross domestic products ng bansa.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) na unang natanggap nilang proposal ay nasa P10.101 trillion pero kinailangan na magsagawa ng evaluation sa mga programa at proyekto.
Dagdag naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang 2026 national budget ay nakaprioridad ang investments sa quality educations, healthcare at workforce upskilling.
Patuloy ang investment sa Build Better More Infrastructur Program at digital transformation.