-- Advertisements --

Ikinasa ng siyam na oil companies ang kanilang fuel discounts para sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs), non-PUVs, at transport network vehicle services (TNVS) bilang tugon sa patuloy na pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ayon ‘yan sa Department of Energy (DOE).

Ang mga diskwento ay magsisimula sa araw ng Martes, Hulyo 1, 2025, kung saan magkakaroon pa ng panibagong pagpupulong ang DOE sa buwan ng Oktubre para sa mga karagdagang diskwento na ipapatupad sa ika-apat na quarter ng taon.

Ayon kay Sharon Garin, DOE officer-in-charge, patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa mga kumpanya ng langis upang mapalawak pa ang bilang ng mga gasolinahan na magiging bahagi ng programa.

Kasama ring ipapatupad ng ahensya ang dedicated PUV lanes na awtomatikong magkakaroon ng diskwento tuwing magbabayad ang mga drayber.