-- Advertisements --

Sinang-ayunan ng grupo ng mga negosyante sa bansa ang giawang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga miyembro ng gabinete nito na magbitiw sa puwesto.

Ayon sa Management Association of the Philippines (MAP) na maituturing ito ng pagpapahalaga ng lider na may prinsipyo at pananagutan.

Magbibigay din ang hakbang ng magandang resulta sa pamamagitan ng pagkakaroon ng progresibong hakbang.

Sinabi ni MAP president Alfredo Panlilio, naiintindihan nila ang hakbang na ginawa na ito ng pangulo kung mahirap ang nasabing desisyon.

Maging sa mga pribadong sektor ay ginagawa rin ang pagpapalit ng talento para mas ma-improve ang performance ng isang organisasyon.

Umaasa ang grupo na makakahanap na ang pangulo ng tao na angkop sa trabahonito.