-- Advertisements --

Makakatanggap ang mga benepesaryo ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino program (4PH) ng diskuwento sa kanilang water bill.

Ito ay matapos na nagkaroon ng pirmahan ang Social Housing Finance Corporation at Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ng memorandum of understanding.

Naglalaman ng kasunduan ang pag-enroll sa mga benepersaryo ng 4PH sa MWSS Enhanced Lifeline Program.

Ang diskuwento na maaaring umabot ng 50 percent ay maibibigay sa kabahayan na kumukonsumo ng 20 cubic meters o mas mababa kada buwan.

Sakop nito ang mga 4PH beneficiaries sa East Zone na sakop ng Manila Water at West Zone na sakop ng Maynilad.