-- Advertisements --

Magkakaroon ng pagbabago sa singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water simula Oktubre, ayon sa inanunsyo ng MWSS Regulatory Office.

Ito ay matapos aprubahan ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa huling quarter ng 2025.

Bahagyang tataas ang singil ng Maynilad ng P0.40 (10 cubic meters), P1.53 (20 cubic meters), at P3.13 (30 cubic meters) para sa regular residential consumers.

Samantala, magkakaroon ng bawas na P0.64 (10 cubic meters), P1.43 (20 cubic meters), at P2.91 (30 cubic meters) sa singil ng Manila Water.

Ang mga customer na kabilang sa low income at enhanced lifeline program ng Maynilad at Manila Water ay mananatiling exempted sa adjustment.

Hinihikayat ang mga customer, lalo na ang mga benepisyaryo ng 4Ps, na magparehistro sa programa.