-- Advertisements --

Magtatalaga si PNP chief Guiellermo Eleazar ng mga babaeng pulis sa tinatawag na kid zones kung saan pinayagan ang mga batang may edad 5 pataas na makalabas.

Sinabi ng PNP chief na ang paglalagay nila ng mga kapulisan sa nasabing mga lugar ay para matiyak na nasusunod ang health and safety protocols at maprotektahan ang mga bata na mahawaan ng COVID-19.

Mas mainam aniya ang mga babaeng pulis dahil madali aniya silang lapitan at mahaba ang pasensiya sa mga bata.

Nanawagan ito sa mga magulang na huwag matakot sa mga presensiya ng mga kapulisan.

Pagtitiyak din ni Eleazar na hindi sila magiging ‘kill joy’ dahil naiintindihan aniya nila ang pinagdaan ng mga bata na matagal ng natingga sa loob ng kanilang mga bahay.

Magugunitang pinayagan na ng The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga bata na may edad 5 pataas na makalabas sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified GCQ sa mga lugar na itinalaga ng local government unit.

Ilan sa mga lugar na itinalaga ay mga open air gaya sa Quezon City isa ang Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife at ang Manila Bay at Luneta Park ganun din papayagan na makakain ang mga ito a mga open air dining.