Nagtapos sa draw ang laban ng apo ni boxing legend Muhammad Ali na si Nico Ali Walsh.
Nakaharap niya si Kittisak Klinson ng Thailand sa 50th anibersaryo ng Thrilla in Manila sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Matapos ang walong round na laban ay nagbigay nagbigay ng 77-75 ang isang judge kay Klinson habang 76-76 naman ang dalawang judge na nagresulta sa majority draw.
Sinabi ni Walsh na labis siyang nasiyahan dahil sa init ng pagtanggap ng mga Pinoy fans at inialay ang laban sa lolo nitong boxing legend.
Maguguntang 50 taon ang nakakaraan ng ginanap sa Pilipinas ang makasaysayang paghaharap ni Muhammad Ali ng matagumpay nitong naidepensa ang kaniyang WBC world heavyweight title laban kay Joe Frazier.
Kabilang ang laban ni Walsh sa mga laban ng ilang mga bigating boksingero ng bansa gaya nina Eumir Marcial at Melvin Jerusalem.
















