Asahan ang mga pagbaha sa 7 rehiyon sa bansa ngayong araw ng Martes, Oktubre 28 dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.
Kaugnay nito, nag-isyu ang state weather bureau ng general flood advisories sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng light to moderate rains.
Kabilang dito ang MIMAROPA, Eastern Visayas, western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Base sa monitoring ng weather bureau, wala nang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility nitong umaga ng Martes, matapos malusaw ang LPA na huling namataan sa silangan ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.
Bagamat, makakaapekto at magdadala ng bahagyang maulap na papawirin ang ITCZ na may kasamang isolated rains sa nalalabing parte ng Visayas at Mindanao.
Habang inaasahan naman ang easterlies na magdudulot ng isolated rains at thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon, maliban sa Cagayan at Batanes.
















