-- Advertisements --

Nakumpleto na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang draft na National Flood Management Framework.

Ang bagong framework ay nagbabago sa flood management ng Pilipinas mula sa dating kalimitan ay ‘reactive disaster response’ patungo sa water management at development planning.

Sa ilalim nito, isinusulong ang paggamit sa mga flood control project hindi bilang nag-iisang flood control solution kungdi bilang bahagi ng ‘interconnected system’ na kayang sumuporta sa irigasyon, water supply, hydropower, food security, environmental protection, at kinalaunan ay local development.

Nakapaloob sa bagong framework ang apat na pangunahing prinsipyo:

  • Pag-prayoridad sa nature-based solutions sa mga headwater
  • Pag-iipon sa mga tubig sa pamamagitan ng strategic impoundment ng mga tubig-ulan.
  • Paggamit sa ‘green and grey infrastructure’
  • Paggamit sa land-use planning and risk-sensitive development

Sa kasalukuyan ay ibinibigay na sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ang opisyal na kopya ng draft para sa karagdagang inputs na maaaring ilakip sa magiging pinal na bersyon.