-- Advertisements --

Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang Amihan at Easterlies ayon sa State Weather Bureau.

Inaasahang makakaapekto ngayon araw ang Amihan sa ilang lugar sa hilagang Luzon habang ang easterlies naman ay magdadala ng ulan sa ibang rehiyon.

Sa Cagayan at Isabela, asahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorms dahil sa shear line, na maaaring magdulot ng pagbaha o landslides.

Sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Aurora, Quezon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental, inaasahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa posibleng pagbaha o landslides

Sa Batanes, maulap na kalangitan na may ulan dahil sa amihan. Asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha o landslides.

Sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Pilipinas, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.