-- Advertisements --
Nagpasya si Yllana Marie Aduana na hindi muna sumali sa Miss Universe Philippines 2026.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang dahilan kung saan humingi ito ng senyales sa Maykapal.
Sa apat na taon nitong pagsali sa mga pageant ay ngayon lamang ito nagkaroon ng hirap na desisyon.
Dagdag pa nito na mayroong ibang nais na ipursige ang kaniyang puso.
Bagamat nais nitong magtanghal sa harap ng mga tao ay iba ang sinasabi ng kaniyang puso.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga supporters at fans na nagbigay ng suporta.
Si Yllana ay kinoronahan noon bilang Miss Earth Air 2023 at naging second runner-up ng Miss Universe Philippines 2025.















