Umaasa ang isa sa mga nagsampa ng kaso laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na madadagdagan pa ang malalaking pangalan na makakasama sa listahan ng ‘co-perpetrators’.
Unang inilabas ng ICC ang listahan na kinabibilangan ng walong dating nagsilbing opisyal tulad nina Sen. Ronald Dela Rosa, Sen. Bong Go, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, atbpa.
Ayon kay dating Magdalo Rep. Gary Alejano, may ilan pang pangalan na nakapaloob sa mga dokumentong inihain nila sa international tribunal kasunod ng pagsasama ng kaso laban sa dating pangulo.
Gayunpaman, maiintidihan umano niya kung hindi na maisama ang mga ito sa listahan at tuluyang maisyuhan ng warant of arrest.
Marunong aniya ang ICC sa pag-analisa sa mga dokumento, kaya’t tiyak na napag-aalan na nila ang papel ng bawat perpetrator, bago pa man inilabas ang naturang listahan.
Magandang panimula na rin aniya na tinukoy ng international court ang maraming indibidwal na may malaking papel sa madugong drug wa, lalo na para sa pamilya ng mga itinuturing na biktima ng extra-judicial killings na nangyari sa kasagsagan ng kampaniya.
Naniniwala si Alejano na sa lalong madaling panahon ay susunod na rin ang warrant of arrest laban sa mga co-perpetrator, tulad ng nangyari noon kay dating Pang. Rodrigo Duerte na tinuoy bilang principal suspect sa crimes against humanity.
















