-- Advertisements --

Magpapakalat ng nasa halos 9,000 na mga kapulisan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila sa obserbasyon ng All Saint’s at All Soul’s Day o Undas.

Magsisimula silang maging full alert sa Oktubre 31 na idineklarang special non-working holiday.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin na mayroong 8,575 na kapulisan ang ipapakalat sa iba’t-ibang sementeryo at mga terminal sa Metro Manila.

Ang mga ito galing sa limang distrito, regional headquarters, regional mobile force battalion at support units.

Mayroong dagdag pa na 1,330 na mga police na magsasagawa ng anti-criminality operations kasama na ang beat at mobile patrols, checkpoints, traffic management at medical assistance.

Sa Metro Manila kasi matatagpuan ang mga malalaking sementeryo gaya ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Libingan ng mga Bayani, Manila Memorial Park at La Loma Cemetery.

Bukod sa Undas ay naghahanda rin ang PNP sa mga white Friday protest sa Oktubre 31.