-- Advertisements --
Natanggap na ng legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng International Criminal Court (ICC) accredited panel of experts ukol sa kaniyang kalusugan.
Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman na hindi muna nila ito isasapubliko at ito ay mananatiling confidential.
Dagdag pa nito na ang report ay inilabas para sa mga Defense at sa korte lamang.
Una rito ay itinakda ng ICC Pre-Trial Chamber I ang pagpapalabas ng resulta ng medical examination sa kalusugan ng dating pangulo nitong Disyembre 5.
Kumuha ng panel of experts ang ICC para suriin ang kalusugan ng dating pangulo matapos ang hiling ng defense team ng adjourment sa proceedings.
















