-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga eksperto na nabuo na ang short-lived La Niña La Niña sa tropical Pacific matapos bumaba ang sea surface temperatures simula pa noong Setyembre 2025 at umabot sa weak La Niña threshold nitong Nobyembre.

Batay sa pinakahuling forecast, inaasahang mananatili ang La Niña hanggang unang quarter ng 2026, ayon sa pagsusuri ng iba’t ibang climate models.

Itinuturing na weak La Niña ang kondisyon kapag ang sea surface temperature anomaly ay nasa –0.5°C o mas mababa sa loob ng isang buwan at inaasahang mananatili sa parehong antas sa loob ng tatlong buwan.

Karaniwang nagdudulot ang La Niña ng mas mataas kaysa normal na pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa sa huling quarter ng taon at unang buwan ng susunod na taon.

Dahil dito, mas mataas ang posibilidad ng pagbaha, flashfloods, at rain‑induced landslides mula Disyembre 2025 hanggang Pebrero 2026.

Inaasahan din ang mas aktibong tropical cyclone activity sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang umiiral ang naturang kondisyon.