-- Advertisements --
Nailipat na sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Lungsod ng Mandaluyong si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong gabi ng Biyernes, Disyembre 5, ng isinagawa ang paglipat ni Guo mula a Pasig City.
Nahatulang makulong ng habambuhay si Guo dahil sa qualified human trafficking dahil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operater (POGO) sa kaniyang lungsod.
Naghain si Guo sa korte na manatili sa Pasig City Jail subalit ito ay ibinasura ng korte.
















