Ipinaliwanag ni Sen. Robin Padilla nitong Lunes ang depensa kay dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na nasangkot sa gulo sa isang mall sa Makati, at iginiit na dapat igalang ang nakatatanda.
Ayon kay Padilla, ang lalaking nakaaway ni Guanzon ang may kasalanan sa sitwasyon, lalo na kung siya ay tunay na Pilipino.
Dagdag niya, bahagi ng pagiging Pilipino ang paggalang at pag-aalaga sa nakatatanda, hindi ang pagsaway o pagpapalayas dahil lamang sa pag-ubo. Ginamit rin niya ang sarili bilang halimbawa, na dati ring pinuna ni Guanzon ngunit iginagalang pa rin siya dahil sa karanasan at katandaan nito.
Ani Padilla, hindi ito tungkol sa politika kundi sa batas at pagiging Filipino. Binigyang-diin niya ang Senior Citizens Act (RA 7432) at iba pang batas na nagtatanggol sa karapatan ng nakatatanda.
Sa kanyang panig, nagsampa na si Guanzon ng kaso laban sa lalaking sangkot para sa unjust vexation at grave oral defamation.(report by Bombo Jai)















