-- Advertisements --

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang withdrawal ng graft at falsification cases kaugnay ng umano’y irregular na pagbili ng P4.1 bilyong RT-PCR kits ng DOH noong 2020.

Humiling ang mga akusado, kabilang si dating PS-DBM Undersecretary Christopher Lloyd Lao at ilang Pharmally officials, na ideklara na lamang na dismissed ang kaso, ngunit tinanggihan ng korte ang kanilang motion.

Inaprubahan ang withdrawal ng Ombudsman dahil sa “kakulangan sa ilang detalye” sa reklamo. Kasama sa inakusahan sina Lao, dating deputy Ombudsman Warren Rex Liong, at ilang Pharmally officials.

Ayon sa korte, may sapat na dahilan ang withdrawal at hindi naapektuhan ang karapatan ng mga akusado o ng publiko sa due process. Ang resolusyon ay inilabas noong Disyembre 3, 2025, sa ilalim ng Sixth Division Chairpersons. (report by Bombo Jai)