-- Advertisements --
Ikinabahalan g World Health Organization (WHO) ang dami ng mga nasawi dahil sa pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa Sudan.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na aabot sa 114 na ang mga nasawi sa pag-atake sa isang kindergarten at sa pagamutan.
Itinuturong nasa likod ng pag-atake ay ang Rapid Support Force (RSF) na nagtatangkang agawin ang pamumuno sa gobyerno.
Sumiklab ang giyera sa Sudan noong Abril 2023 ng mag-agawan sa kapangyarihan ang sundalo at RSF na dating magkatunggali.
Base sa datos ng WHO na ang pag-atake sa Health Care monitoring system ay nagdulot ng 114 katao ang nasawi at 35 na sugatan.














