-- Advertisements --

Nasa Pilipinas pa rin ang authorized representative ng ipinasarang POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga at pugante na si Cassandra Li Ong ayon sa Palasyo Malacañang.

Ito ay taliwas sa mga napaulat na huli siyang namataan sa Japan.

Isa si Ong sa mga nakulong dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal gambling operations ng naturang POGO hub subalit pinalaya siya mula sa detention ng Senado sa kasagsagan ng transition ng 19th at 20th Congress.

Kaugnay nito, nanawagan si Communications USec. Claire Castro sa mga Pilipino na ipagbigay-alam sa law enforcement agencies sakaling makita si Ong.

Kasalukuyang may patong sa ulo si Ong na P1 million mula sa Departement of Justice para sa makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Ong.

Nauna na ring ipinag-utos ng Pasig City Regional Trial Court Branch 157 ang kanselasyon sa pasaporte ni Co at kaniyang kapwa akusado na si dating Presidential spokeman Atty. Harry Roque at iba pa.