-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa mga presyo ng petrolyo ngayong araw.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang bigtime na bawas sa diesel na aabot sa P2.90 sa kada litro ganun din sa kerosene na mayroong P3.20 sa kada litro ang bawas.

Una ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na nagkaroon ng oversupply ang mga kumpanya kaya nagkaroon ng bawas presyo.