-- Advertisements --

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inspeksyon sa 600-square-meter, two-unit condominium ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa Bonifacio Global City (BGC), alinsunod sa inspection order mula sa Makati Regional Trial Court.

Layunin ng operasyon ng NBI Organized Transnational Crime and Public Corruption Divisions na makahanap ng dokumentong kaugnay ng bid fixing at bid rigging sa flood-control projects, kung saan may pabor umano sa ilang contractors kapalit ng advance payments.

Ang condo unit ay tinukoy nina Orly Guteza at dating Bulacan district engineer Henry Alcantara bilang lokasyon kung saan dinadala umano ang male-maletang naglalaman ng milyong pisong kickback.

Pinahintulutan ang mga ahente na kuhanan ng litrato ang dokumento at pera bilang ebidensya, kasabay ng pagsusuri ng mga kinatawan ng PCC at korte.

Si Co, na nagsilbing chairman ng House appropriations committee, ay tumakas sa bansa at naglabas ng video mula abroad na inaakusahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang nakinabang umano sa korapsyon, bagay na pinabulaanan na ng Palasyo Malacañang.