-- Advertisements --

Naghahanda na ang aktres na si Rhian Ramos para magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng mga mapanirang ulat tungkol sa kaniya.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan na kanilang nakilala na ang mga indibidwal ng nasa likod ng paninira sa aktres.

May kaugnayan sa pagdawit sa aktres kasama ang mga kaibigan nitong sina Michelle Dee at Samantha Panlilio ukol sa pananakit umano sa driver nito na si Bonifacio Tibayan Baro.

Nanindigan sila na iligal ang ginawa ng drayber na kumuha ng larawan ng aktres.