Naibigay na ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasa P41 million budget para sa Independent Commission for Infrastructre (ICI).
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro.
Isa kasi ito sa inihayag na concern ni outgoing ICI Commissioner Babes Singson.
Ayon kay USec. Castro nagkaroon lamang ng delay sa SARO pero nailabas na ito ng DBM at hawak na ito ngayon ng Komisyon.
Sinabi ng palace official, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos ang komisyon.
Sinabi ni Castro na Naghain ng resignasyon
Si singson dahil sa isyung pangkalusugan.
Ayon sa Malacañang, pinakiusapan siya ng Pangulo na manatili sa puwesto ngunit iginagalang ng Presidente ang kanyang desisyon.
Nagpasalamat si PBBM sa suportang ibinigay ni Singson sa administrasyon.
Kasabay ng pagbibitiw, lumutang ang alegasyon ng kakulangan ng pondo, partikular ang P41 milyon na sinasabing hindi nakarating sa ICI.
Nabatid na nagpaluwal ng P30,000 si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang pansuportang pondo para sa ilang operasyon ng ahensiya.
No comment naman ang Palasyo sa naging pahayag ni Magalong na may susunod pa na opisyal ng Komisyon ang magbibitiw matapos ang resignation ni Singson.
Ayon kay USec. Castro wala silang natatanggap na ulat kaugnay sa resignation ng ibang commissioner ng ICI.















