Nakahanda na ang 44 na airport na nasa ilalim ng operasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, naatasan na ang bawat airport na paghandaan ang influx ng mga pasahero simula bukas, Oct. 29 hanggang sa Nobiyermbre-4.
Sinimulan na rin aniya ng bawat airport management ang implementasyon ng heightened alert bilang paghahanda sa dagsaan ng mga pasahero.
Kabilang dito ang inspection sa airport facilities, at pagtiyak na may sapat na manpower.
Ayon pa kay Apolonio, ilang airlines na rin ang naunang nag-abiso na magdaragdag sila ng flights para ma-accommodate ang milyon-milyong pasahero na uuwi sa mga probinsya.
Inaasahan ng CAAP na aabot mula 4.5 million hanggang 5 million katao ang uuwi o magtutungo sa mga probinsya, gamit ang mga CAAP-operated airports.
















