-- Advertisements --
Napanatili ni Melvin Jerusalem ang kaniyang WBC minimumweight matapos na talunin si South African challenger Siyakholwa Kuse.
Nakuha ni Jerusalem ang unanimous decision kung saan lahat ng mga judges ay pumabor sa kaniya matapos ang 12 round laban.
Hindi ininda ng 31-anyos na si Jerusalem ang bilis ng mas batang boksingero at ito ay nakipagsabayan.
Mayroon ng record si Jerusalem na 25 panalo, tatlong talo na 12 knockouts habang si Kuse ay mayroong siyam na panalo, dalawang talo at isang draw na may apat na knockouts.
















