Tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pandaigdigang volatility dahil sa pagpapatuloy ng mga fiscal at budgetary reforms ng administrasyong Marcos.
Sa 2025 Fiscal Policy Conference ng Department of Budget and Management (DBM), binigyang-diin ni Pangandaman na ang mga repormang nakatuon sa transparency, accountability, at citizen participation ay susi sa pagpapanatili ng paglago ng bansa.
Ani Pangandaman, sa kabila ng mga hamong ekonomiko at pampulitika, nananatiling matatag ang ating ekonomiya, may kontroladong inflation at matatag na employment.
Tema ng conference ang “Strengthening Fiscal Integrity through Transparent Governance,” na dinaluhan ng mga ekonomista at public finance experts.
Ipinresenta ni DBM Undersecretary Margaux Salcedo ang Project DIME na layong palakasin ang oversight sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Nagpayo naman ang ilang eksperto na patatagin pa ang monitoring systems, pamumuno, at digital transformation upang mapanatili ang fiscal integrity at mapigilan ang korapsyon. (report by Bombo Jai)















