-- Advertisements --

Inapela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Pre-Trial Chamber na pagbasura sa hamon nilang hindi sakop ng Internatonal Criminal Court ang kasong kinakaharap ng dating pangulo.

Ang nasabing apila ay pinangunahan nina Nicolas Kaufman ang lead counsel at si DR Dov Jacobs ang Associate Counsel ng dating pangulo.

Nais ng kampo ng dating pangulo na baligtarin ang inilabas na desisyon noong Oktubre 23.

Nakasaad din sa apila na walang legal na basihan para ipagpatuloy ng ICC ang pagdinig sa kaso ng dating pangulo.

Hiniling din ng kampo nito ang agaran at unconditional release ni Duterte.

Magugunitang naaresto ang dating Pangulo noong Marso 11 dahil sa crime against humanity bunsod ng kaniyang kampanya sa iligal na droga noong panahon niya bilang pangulo.