AXIE INFINITY
-- Advertisements --

Hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga manlalaro ng mga sikat na online game na Axie Infinity na magpa-rehistro at magbayad ng sapat na buwis.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros na nararapat na buwisan ang mga naglalaro ng nasabing online games dahil sila ay kumikita dito.

Ang nasabing online game na mula sa isang Vietnam company na Sky Mavis ay sumikat sa bansa dahil sa bawat manlalaro ay binabayaran ng tinatawag na cryptocurrencies.

Magugunitang inalmahan din ng mga social media influencer ang naging plano ng BIR na buwisan sila dahil sa kumikita ang mga ito sa mga video na kanilang ginagawa.