-- Advertisements --
Tiwala si Department of Finance (DoF) Secretary Ralph Recto na maipapatupad ang pagbubuwis sa mga online gambling sa katapusan ng taon.
Kasunod ito sa dumaraming mga mababatas ang nagpahayag ng suporta na matigil ang online gambling dahil sa lumalalang adiksyon na dulot nito.
Sinabi ni Recto na maaring maipasa ngayong taon ng Kongreso ang panukalang batas na nagbubuwis sa mga online gambling.
Nakipag-ugnayan na rin ang Dept. of Finance sa Philippine Amusement and Gaming Corp.(PAGCOR) para malaman ang potensiyal na kita sakaling maipatupad ang pabubuwis.