Maghahain din ng countercharges ang whistleblower na si Julie Patidongan alyas Totoy laban sa negosyanteng si Atong Ang na inaakusahang utak sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay alyas Totoy, nakatakda niyang ihain ang kaniyang countercharges sa Lunes. Dito, kaniyang ibabalik o sasagutin ang mga reklamong ibinabato sa kaniya ni Ang.
Nauna na ngang naghain ng mga reklamo si Ang laban kay alyas Totoy na inakusahan niyang nagtangkang kikilan siya ng P300 million para hindi siya idawit sa pagkawala ng mga sabungero.
Nauna ng ibinunyag ni Patidongan na si Ang umano ang nag-utos ng pagpaslang sa mga sabungerong nahuling nandaraya sa mga laro.
Mariin namang itinanggi ni Ang ang naturang mga alegasyon laban sa kaniya at sinabing peke at walang basehan ito na naglalayong sirain ang kaniyang pangalan.