-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Bureau of Internal Revenue sa tamang pagbabayad ng buwis.

Kaugnay nito ay pinalawig naman ng ahensya hanggang Hunyo 16 ang paghahain ng aplikasyon sa Estate Tax Amnesty Program.

Una nang sinabi ng kawanihan na hanggang ngayong araw lamang, Hulyo 14 ang huling araw ng paghahain nito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., kabilang sa sakop ng alok na amnestiya ay ang mga property ng mga yumao bago o noong Mayo 31, 2022 na hindi pa nababayaran buwis.

Inanunsyo rin nito ang iba pang mga payment facility para sa mga gusto pang humabol at mag-avail ng programa.

Kabilang na dito ang pagbabayad sa pamamagitan ng over-the-counter sa kanilang mga Authorized Agent Banks at pagbabayad sa pamamagitan ng BIR-approved electronic payment gateways at iba pang options katulad ng pagtungo sa mga Rvenue District Offices o Revenue Collection Officers .