-- Advertisements --

Nangako na ng suporta ang tinaguriang ‘Duterte Bloc’ o ang tinatawag ngayon na Duter7 (Duterte seven) para manatili sa pwesto si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President sa 20th Congress. 

Sa pulong balitaan, kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nakapag-commit na ang Duter7 — na binubuo nina Senators dela Rosa, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Bong Go, Robinhood Padilla, Camille at Mark Villar. 

Ayon sa senador, nakapirma na siya sa pinaiikot na resolusyon para suportahan ang Senate Presidency ni Escudero.

Nilinaw naman ni dela Rosa na wala namang naging kondisyon kung bakit niya susuportahan si Escudero bilang pangulo ng Senado. 

Wala rin aniya siyang hiningi na committee chairmanship at sa halip ay nagustuhan lang daw niya ang pamamalakad ni Escudero sa Senado. 

Kinumpirma din ng senador na hiningi ni Senador Rodante Marcoleta ang Blue Ribbon Committee na ipinangako na rin sa kanya ni Escudero sa pagpasok ng 20th Congress. 

Gayunpaman, paglilinaw nito, ang kanilang pagsuporta kay Escudero ay walang kinalaman sa posisyon ng senador sa  impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.