Tiwala ang coach ng men’s national volleyball team ng bansa na mayroon pa rin silang mga matatag na koponan.

Kasunod ito sa pagkatungo sa ibang bansa para maglaro ang ilang mga pangunahing manlalaro ng koponan.

Sinabi ni coach Dante Alinsunurin na kumpleto ang kaniyang koponan para sa nalalapit na Asian Men’s Club Volleyball Championship na gaganapin mula Oktubre 8-15 sa Thailand.

Sa ngayon ay doble kayod ang ginagawa nilang ensayo para sa nasabing torneo.

Magugunitang na pumangalawa lamang ang puwesto ng volleyball team ng bansa noong 2019 Southeast Asian Games.