Gumagamit na ngayon ng remotely operated vehicle (ROV) ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa paghahanap sa mga labi ng nawawalang sabungero na pinaniniwalaang itinapon sa Taal Lake sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab , layon ng pagdedeploy ng naturang mga ROV na makatulong at mapabilis ang search and retrieval operations na kanilang isinasagawa.
Paliwanag ng opisyal na equip ang naturang ROV ng mga ilaw at camera na siyang ginagamit sa paghahanap sa pinaka malalim na parte ng lawa.
May kakayahan rin itong magbuhat ng mga bagay ng hanggang sampung kilo at kayang tumagal ng apat na oras sa ilalim ng katubigan.
Mas mahabang oras ito kung ikukumpara sa mga technical divers na aabot lamang sa 1.5 hours ang kakahayang manatili sa ilalim ng lawa.
Tiniyak naman ng PCG na ang pagsasagawa nila ng operasyon ay kanilang isinasagawa ng may pag-iingat at masinsinan.
Apat na taon na ang nakalilipas na mapaulat na nawawala ang nasa 34 na mga sabungero .
Umaasa ang mga pamilya nito na mabibigyan na ngayon ng hustisya at pagkawala ng mga ito sa tulong ng mga impormasyon na ibinahagi ng whistleblower na si Julie Patidongan o Alyas Totoy.