Wala na sa pwesto ang lahat ng opisyal mula sa procurement arm nito, ang Procurement Service (PS), na nasangkot sa pagbili ng umano’y overpriced na mga laptop, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang pahayag ngf DBM ay matapos ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Education Secretary Leonor Briones at 13 iba pa kaugnay ng umano’y anomalya sa pagbili ng mga laptop na nagkakahalaga ng PHP2.4 bilyon para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Kabilang sa mga personalidad na idinawit sa nasabing overpriced laptop deal ay ang mga dating opisyal ng Procurement Service-DBM (PS-DBM) na sina Lloyd Christopher Lao, Jasonmer Uayan, Ulysses Mora, Marwan Amil, at Paul Armand Estrada.
Tiniyak naman ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang buong pakikipagtulungan ng kagawaran sa isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman, kasunod ng desisyon nitong magsampa ng kasong graft laban sa mga dating opisyal ng PS-DBM.
Noong 2022, napuna ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng Department of Education (DepEd) ng mahigit 39,000 laptop sa halagang PHP58,300 bawat isa sa pamamagitan ng Procurement Service – DBM (PS-DBM).