-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa sila ng reporma ng basic education sa bansa.
Ito ay matapos na malagay sa ranked 74 sa kabuuang 117 ang bansa sa Global Education Future Readiness Index 2025.
Nakatanggap ang Pilipinas ng GEFRI score na 56.32 sa kabuuang 100 at naging pang-limang pinakamababa sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon sa DepEd na ilan sa mga reporma na kanilang gagawin ay ang paggawa ng Education Center for Artificial Intelligence Research.
Naniniwala kasi ang DepEd na ang paggamit ng AI ay makakatulong sa pagtuturo sa mga guro.